Skip to contentSkip to bottom of the pageSkip to top of the page

Paglilinis ng kalsada sa Brescia

  • Ang ginagawa namin
  • Uri at dalas ng mga operasyon
  • Pagwawalis sa gabi
  • Mga manggagawa sa residensyal na lugar

Ang ginagawa namin

Sinusuportahan namin ang pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ang mga kalsada, bangketa at mga urban na lugar, habang iginagalang ang mga pangangailangan ng kapaligiran at trapiko

Kinakailangan sa amin ang pamalagiang magpapabuti ng aming mga pamamaraan at mga ginagamit naming kasangkapan sa Paglilinis ng mga kalsada at mga urban na lugar. Nagsisikap kami na laging nasa unahan para matugunan ang mga bagong pangangailangan ng mga lungsod at mga bagong oportunidad na inihahain nila sa mamamayan.

Uri at dalas ng mga operasyon

Nangangailangan ang bawat urban na lugar ng iba't ibang pamamaraan ng paglilinis kapwa sa mga pangkaraniwan at di-pangkaraniwang kalagayan

Inipon namin sa ibaba ang lahat ng mga uri ng mga serbisyo sa paglilinis na ginagamit namin sa inyong lungsod. Para sa bawat isa, makikita mo ang dalas ng operasyon. 

Pagwawalis sa gabi

Nililinis din namin ang lungsod kapag gabi, batay sa kalendaryo ng mga operasyon sa buong munisipalidad..

Nakapagtukoy kami ng 20 lugar ng operasyon at hinati-hati ang mga buwanang operasyon sa paglilinis ng kalsada, mula Lunes hanggang Biyernes. May mga karatula sa mga nauugnay na lugar na nagpapakita ng mga oras ng paglilinis at ibubungang paghihigpit sa pagpaparada. Natatapos ang serbisyo ng 5 a.m.

Mga manggagawa sa residensyal na lugar

Nagtatrabaho kami para sa lungsod, simula sa mga komunidad at residensyal na lugar nito

Naglilinis ng mga bangketa ang aming mga manggagawa sa residensyal na lugar sa pamamagitan ng pagwawalis, na gumaganap ng napapanahong aksyon sa panahon ng mga kagipitan gaya ng mga aksidente sa trapiko, pag-alagwa ng mga basurang hindi nabalot nang mabuti o iba't ibang nakuhang bagay. Nagsasagawa rin sila ng mga serbisyo kaugnay sa mga nakolektang basura ("out-of-dumspter"): sinusubaybayan at nililinis nila ang mga istasyon ng pangongolekta, na nagbabawas sa dami ng mga basura na itinatapon sa mga kalsada.

Skip to top of the page