Skip to contentSkip to bottom of the pageSkip to top of the page

Ekolohikal na platform sa Bergamo

  • Sino ang puwedeng maka-access sa mga ito
  • Sino ang puwedeng maka-access sa mga ito
  • Mga address at oras ng pagbubukas
  • Ano ang puwede mong dalhin
  • Mapanganib na basura

Anu-ano ang mga ito at paano i-access ang mga ito

Ang mga ekolohikal na platform ay mga lugar na may kagamitan sa syudad kung saan mo puwedeng dalhin ang iyong mga nare-recycle na basura sa bahay. Puwede kang makapasok sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong nakalaang card

Ang mga ekolohikal na platform ay mga lugar na may kagamitan at pinapangasiwaan kung saan mo puwedeng dalhin ang lahat ng iyong nare-recycle na basura. Puwede ring mangolekta ang mga center ng malaking basura at mapanganib na munisipal na basura.

Sino ang puwedeng maka-access sa mga ito

Ang access sa ekolohikal na platform ay para sa:

  • Mga residente ng Munisipalidad ng Bergamo na may Panrehiyong Card o Card para sa mga Pambansang Serbisyo;
  • Mga hindi residenteng nakarehistro sa Rehistro ng Taripa sa Basura ng Bergamo na may Ecopass na inisyu ng Aprica S.p.A. sa Via Moroni 337;
  • Mga nakatira sa ilang nakakontratang Munisipalidad na may Ecopass na inisyu ng Munisipalisad kung saan sila naninirahan.

Para maisyu ang Ecopass, dapat nakarehistro ka sa Rehistro ng Taripa sa Basura, ipakita ang iyong ID at ang iyong Panrehiyong Card o Card para sa mga Pambansang Serbisyo.

Mayroon ding ilang limitasyon sa pagpasok na kinakailangang sundin ng mga pribadong sasakyan:

Kabuuang timbang sa sahig

Hindi hihigit sa 3.5 tons

Ang taas

Hindi hihigit sa 2.10 metro

Mga address at oras ng pagbubukas

Posibleng ma-access ang mga ekolohikal na platform sa panahon ng mga partikular na slot ng oras

Tingnan ang mga address at oras ng pagbubukas ng ekolohikal na platform. Gamitin ang mapa para makakuha ng mga direksyon kung paano ito mapupuntahan.

Mga arawMga addressOrari
LunesVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.
MartesVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.
MiyerkulesVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.
HuwebesVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.
BiyernesVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.
SabadoVia Goltara, 23 – Grumellina Area
  • 8:00 a.m. - 1:00 p.m.
  • 2:00 p.m. - 7:00 p.m.

Ano ang puwede mong dalhin

Lisang lugar para sa iyong mga basura sa bahay

Nagtipon kami ng kumpletong listahan ng lahat ng basura na puwede mong dalhin sa ekolohikal na platform. Puwede rin kaming tumanggap ng malaki at mapanganib na basura, basta't galing ito sa bahay.

  • Itinapong matitibay na bagay
    • Mga refrigerator, freezer, telebisyon, computer, washing machine, dishwasher, air conditioner, at boiler.
  • Malaking basura
    • Mga muwebles (mga aparador, lamesa, armchair, sofa, upuan), sari-saring bagay (mga kutson, gamit pangkusina), malaking basura na hindi ginawa sa bahay, malaking basura na resulta ng simpleng pagkukumpuni (mga pinto, bintana, panangga sa bintana, carpet).
  • Basurang halaman
    • Mga pinagpitasan at ginawang dekorasyog halaman.
  • Di-aktibong basura
    • Debris, basura galing sa banyo at sanitasyon, basura mula sa gumuhong gusali, porselana, at iba't ibang seramika.
  • Bakal
    • Pira-piraso ng kinalas na muwebles, net, maliit na bagay, bisikleta, at iba pang basura.
  • Kahoy
    • Mga tabla, bahagi ng muwebles, kaha.
  • Salamin
  • Mga bombilya (fluorescent)
    • Mga matipid sa kuryenteng bombilya na dapat itapon nang buo.
  • Mga walang laman na baterya
  • Mga baterya ng sasakyan
  • Pampritong mantika at langis
  • Nagamit nang mantikang mineral
  • Mga naubos nang toner cartridge
  • Papel at karton
  • Mga gulong
  • Mga expired na gamot
  • Mga damit
  • Mga bagay na nare-recycle na matigas na plastik
    • Maraming pang-araw-araw na bagay na gawa sa isang uri ng plastik na hindi nare-recycle na kasama ng plastik na packaging. I-download ang brochure para matuto pa.
  • Mga produkto at lalagyan na may mga tatak na mapanganib at mga pintura sa pangkalahatan
    • May mga partikular na simbolo ng panganib sa balot ang mga lalagyan ng basurang ito.

Alin ang hindi dapat dalhin

Inililinaw namin ang ilang uri ng basura na hindi mo puwedeng dalhin:

  • Mga hindi pinagbukod-bukod at tuyong basura
    • Mga basurang kasalukuyang kinokolekta sa pamamagitan ng sistemang bahay-bahay;
  • Organikong basura
    • Mga basurang kasalukuyang kinokolekta sa pamamagitan ng sistemang bahay-bahay;
  • Iba't ibang nireregularisang basura
    • Basura tulad ng asbestos, mga sasakyang motor, atbp.

Mapanganib na basura

Bigyang-pansin ang mga simbolo sa balot

Puwede ring tumanggap ang ekolohikal na platform ng basura na kinakategoryang corrosive, irritant, nakakalason, at nasusunog.

Nagpapahiwatig ang bawat simbolo ng nauugnay na panganib

Nakatatak ang mga simbolo ng panganib sa mga balot ng mga kemikal at nagsisilbing tagapagbigay ng kagyat na impormasyon tungkol sa mga uri ng panganib na kaugnay sa paggamit, pamamahala, pagbibiyahe, at pagtatago ng mga ito.

Skip to top of the page